Chapter 14
Nang maidilat ni Charlotte ang mga mata niya, agad siyang nagulat nang may taong nakasampa sa kanyang katawan hindi niya maaninag ang mukha nito pero hindi siya makapalag, pilit niyang gustong sumigaw pero walang boses na lumalabas sa kanyang bibig, hanggang sa maramdaman niya ang malamig at matalim na bagay na dinidiin sa kanyang dibdib, isang kutsilyo na hawak ng nakadagan sa kanya. Hanggang sa tuluyan nga itong na ibaon sa dibdib niya, dilat siyang nawalan ng hininga habang nakatitig ang mga matawa niya sa kawalan.
Napabalikwas ng bangon si Charlotte pagkatapos niyang makita ang sarili na mamamatay, hindi niya inaasahan na mananaginip siya tungkol sa gano’ng bagay, napasapo siya sa kanyang mukha na pawisan, nang tanggalin niya ang mga kamay, nakita niya ang sarili na nakaupo sa dulo ng hagdan, na tanaw niya ang pababang daan patungo sa sala, agad siyang napatayo at nagtataka kong bakit nagising siya mismong hagdan.
‘Ano bang nangyayari?’ Sa isip-isip niya, pero nang muli siyang aakyat para makarating sa silid, isang pares ng kamay ang tumulak sa kanya para siya’y bumagsak pa ibaba.
~*~
Tuluyang nagising si Charlotte sa masamang panaginip, hingal na hingal at takot dahil hindi niya inaasahan na mananaginip siya sa isa pang panaginip, isa pa madalas niyang mapaginipan kong paano siya mamamatay ng dalawang beses sa mismong bahay ng mga Cervantes, hindi niya gustong maniwala dahil wala namang katotohanan ang mga panaginip ng tao, pero parang may gustong ipahiwatig ito sa kanya.
Hindi na siya muling nakabalik pa sa kanyang paghimbing, hindi rin naman niya gustong makita muli ang masamang panaginip tungkol sa pagkamatay niya, bumangon na lamang siya at nag-ayos, pagkatapos ay bumaba naman siya sa kusina, hindi niya inaasahan na gising na pala ang binata at katatapos lang nitong maghanda.
“Wow, complete meal ah,” wika niya na siyang ngitian naman ng binata.
Umupo naman ang binata sa puwesto nito at gano’n rin siya, sabay silang nag-agahan, pero hindi pa rin mawala sa kanya ang panaginip bago siya magising, sumulyap siya kay Gray na nakatingin din sa kanya, kaya binigyan niya ito ng ngiti.
“May gusto sana akong itanong sa ‘yo kong ayos lang?” Tanong niya sa binata.
Tumango naman si Gray sa kanya.
Huminga ng malalim si Charlotte, hindi mawari kong paano niya uumpisahan ang kwento sa binata, muli siyang bumuntong hininga, sumulyap siya sa binatang nakatitig lang sa kanya at naghihintay sa sinabi niyang kwento.
“Ganito kasi yan Gray, madalas kasi akong managinip tungkol din sa ‘kin, dito sa bahay ninyo, na tinulak ako sa hagdan ninyo, tapos kagabi naman nanaginip ako tungkol sa pagkamatay ko gamit ng kutsilyo, may sumaksak sa dibdib ko, naalala ko pa may nagkalat na patay na daga sa silid ko noong nakaraang linggo, hindi kaya may multo sa bahay ninyo? O kaya mga kaluluwang hindi ko nakikita na ayaw nila sa ‘kin?” Kwento niya sa binata.
Kinuha naman ni Gray ang cellphone niya at nag-type ito ng gustong sabihin kay Charlotte, saka ito binabasa sa dalaga ng matapos niya.
Hansen: wala namang multo sa bahay na ‘to, pero pwedeng may ibig sabihin ang mga panaginip mo, ibig sabihin n’un na kailangan munang umiwas sa ‘kin.
Agad na nagtaka si Charlotte sa nabasa niya, hindi na niya nakita ang dating sigla at ngiti sa mukha ni Gray, “anong ibig mong sabihin?” Tanong niya sa binata, iniisip niyang nagbibiro lang ito, “wag muna man akong biruin ng ganyan, kaibigan na ang tingin ko sa ‘yo, ibig sabihin n’un pinagkakatiwalaan na kita, tapos bakit kailangan ko na namang umiwas sa ‘yo?”
Muling hinarap ni Gray ang cellphone niya.
Binasa naman ni Charlotte ang bagong babasahin niya.
Hansen: hindi ka nakakasigurado na kailangan mo akong pagkatiwalaan, dahil akala mo kilala muna ako ng lubos, hindi ibig sabihin na magkaibigan na tayo, pwede muna akong pagkatiwalaan, minsan tiwala ng tao ang nagpapahamak sa kanila, mas maganda hindi mo ibig sa ‘kin ang tiwalang sinasabi mo, dahil hindi mo talaga ako kilalang lubos Charlotte.
Halo-halong emosyon ang naramdaman ni Charlotte sa mga oras na ‘yon, hiya, takot at lungkot, hindi niya maitindihan ang sarili, na unang natapos ang binata sa agahan niya na agad na bumalik sa silid niya, saka naman siya sumunod, wala siyang imik hanggang sa mag-umpisa sila sa kanilang leksyon, hanggang sa matapos ang trabaho niya at umuwi siya sa bahay nila.
~*~
Na iinis si Gray sa kanyang sarili, pabago-bago siya ng kanyang isipan tungkol sa pakikitungo niya sa dalagang si Charlotte, pero nang magkwento ito tungkol sa panaginip niya, naalala niyang muli ang tungkol sa sunod-sunod na nangyari noong mga nakaraang buwan.
Gusto niyang maging malapit siya sa dalaga, makipagkaibigan at makilala ng lubos. Alam naman niya na gano’n din ang gustong mangyari ni Charlotte sa kanila, simula kasi ng makilala niya ang dalaga, para bang nagbago ang lahat, halimbawa siya ng isang taong may madilim na aspeto sa buhay dahil sa mga nangyari.
Dahil sa madilim na aspetong ‘yon, tuluyang nilamon ng kadiliman na ‘yon ang buo niyang pagkatao, napakadilim na ng mundo niya, pero si Charlotte ang nagbigay ng liwanag sa madilim niyang mundo, isang liwanag na gusto niyang manatili lang sa kanyang tabi, pero dahil sa mga bagay na nangyari, sa tingin niya hindi na mababago pa ang nakaraan, doon niya naalala kong ano nga ba ang misyon niya tungkol kay Charlotte, ang lumayo ito sa kanya.
Sa gano’ng paraan maililigtas niya si Charlotte sa kanya, maililigtas niya ito sa kapahamakan, nakaalis man lang si Charlotte na hindi man lang nagpaalam sa kanya, siguro dahil nag-aalangan ito dahil sa kanya na namang pakikitungo.
‘Patawarin mo ako Charlotte pero ito lang ang paraan ko para mailigtas kita sa paparating na kapahamakan, alam kong papasalamat mo rin ako sa gagawin ko,’ sa isip-isip ni Gray habang nakatingin sa bintana habang pinagmamasdan ang dalaga na naglalakad palayo sa kanilang bahay.
Naramdaman na naman niya ang pag-iisa, katahimikan, mga bagay na hindi na niya gustong balikan simula nang makilala niya ang dalaga, pero sa tingin niya ito na ata ang nakatakda para sa kanya, ang habang buhay na manirahan at makulong sa madilim niyang mundo.