Chapter 15

1119 Words
Chapter 15             Pag-uwi ng dalaga sa kanilang bahay, takang-taka siya nang makitang bukas ang pintuan ng bahay nila, napakatahimik din ng paligid, sinara niya ang pintuan ng makapasok siya, “mama,” tawag niya sa kanyang ina, sinilip niya ito sa kusina kong maari niyang makita ito, pero wala, wala rin ito sa labas ng bahay o sa likuran, umakyat siya sa taas, paghakbang pa lamang ng paa niya sa ikalawanag palapag may mga narinig siyang mga halinghing sa mismong silid ng ina niya.             Nakaramdam siya ng kaba kong ano bang nangyayari sa silid ng ina niya at kong bakit may gano’ng ingay siyang naririnig, ang lakas ng kabog ng dibdib niya, hindi siya gumawa ng ingay, lumapit siya sa pintuan ng silid ng ina niya at pinakinggan kong tama ba na roon nang gagaling ang ingay na naririnig niya, ngunit hindi siya nagkakamali.             Hinawakan niya ang doorknob ng pintuan, pinihit niya ito at nalaman niyang hindi naka-lock hanggang sa biglaan niya itong binuksan, gulat na gulat din ang dalawang taong nasa loob ng silid ng ina niya, pati na rin siya.             May isang binatang nakapatong sa hubad na katawan ng ina niya, hindi niya alam kong anong gagawin niya, agad siyang bumaba ng sala, una pumasok sa isipan niya ang amang nasa ibang bansa habang na andito sila at may ginagawang iba ang ina niya, nakaramdam siya ng galit, hiya at inis sa kanyang ina, paano ito nagawa ng ina niya sa kanyang ama habang wala ito? Gano’n din ba ang ginagawa ng ina niya pag-wala siya sa bahay, nagpapakasasa ito sa katawan ng sarili nitong estudyante.             “Charlotte,” nanginginig ang boses ng ina niya ng tawagin siya nito.             Agad siyang humarap sa ina niya, habang ang binata naman na kamag-aral niya ay nagmadaling lumabas ng bahay habang gusot pa ang buhok at nagmamadaling mausot ang pang itaas nitong damit. Sila na lamang ng ina niya nang marinig niyang magsara muli ang pintuan sa likuran niya.             Pinagmamasdan niya ang bistida ng ina na halatang walang bra’ng pang ilalim, lalapitan na sana siya nito nang lumayo siya, “wag mo akong mahawak-hawakan, ayokong madikitan ng nakakadiring katulad mo,” hindi niya mapigilan ang sarili na masabi ‘yon sa kanyang ina.             Mangiyak-ngiyak naman ang ina niya na nakatingin sa kanya, “Charlotte anak, patawarin mo ako.”             “Ano? Patawarin, hindi mo ba alam kong ginawa mo mama, nakipagtalik ka sa estudyante mo, isa pa may asawa kang tao, tapos sasabihin mo sa ‘kin na patawarin kita, niloloko mo si papa, hindi lang siya, ang buong pamilya ito ang niloloko mo, paano mo ‘to nagawa sa amin?” Hindi niya napansin na lumuluha na siya dahil sa kanyang nararamdaman na galit sa kanyang puso dahil sa nalaman niya.             “Charlotte makinig ka na muna sa ‘kin, hindi ko niloko ang papa mo,” mangiyak-ngiyak na saad ng ina niya.             “Anong sabi mo? Naririnig mo ba yang sinasabi mo sa ‘kin, hindi mo niloloko si papa? Anong ‘yong nakita ko kanina, wala lang, ano bang tamang tawag doon?” Hindi rin na papansin ni Charlotte na nagtataas ng boses niya.             “Sabihin muna ang gusto mong sabihin Charlotte, pero hindi na mababago kong ano ba ang nangyari, hindi mo alam ang lahat, kasi akala mo kompleto pa itong pamilya natin, na akala mo buo pa tayo habang nagtrabaho ang ama mo sa ibang bansa, hindi mo nakikita, dahil ako ang lahat ng nakakaalam kong ano ba talaga ang totoong nangyayari sa pamilya natin, ayokong mapasok sa isipan mo kong ano na ba talaga ang meron sa ating tatlo, Charlotte wala na ang papa mo, iniwan na niya tayo at sumama siya sa katrabaho niya, matagal na niya tayong iniwan simula pa ng umalis siya.”             Natigilan si Charlotte sa narinig niya, nakalimutan na niya kong na saan siya, kong ano ba ang dapat niyang maramdaman, maniniwala ba siya? Hindi niya alam, “ano?” tanging nasabi niya.             “Iniwan na tayo ng ama mo Charlotte, ayokong malaman mo kong ano ba talagang nangyayari sa pamilya natin, gusto kong buo pa rin tayo sa isipan mo, pero sa susunod na buwan uuwi na ang ama mo para makipaghiwalay sa ‘kin, alam mo bang pinagtalunan namin ‘to bago pa siya umalis na wag na lang sana siya magtrabaho sa ibang bansa, kasi alam kong babalikan niya ang kabit niya, na nangyari nga, hindi mo na papansin na hindi ka na sinasagot ng ama mo sa chat kasi wala siyang pake alam sa atin.”             Sa buong buhay niya, akala niya kompleto pa siya, ito lang naman ang pinag-mamayabang niya sa lahat, na kompleto ang pamilya niya, pero nagkamali ata siya, “bakit ngayon mo lang sa ‘kin sinabi ‘to? Pinagmukha mo akong tanga sa bagay na wala naman talaga sa atin, bakit kayo ganito ni papa? Wala ba kayong pake alam sa ‘kin.”             “Charlotte tama na, na andito naman ako para sa ‘yo, anak---”             “Tama na mama!” Tumigil ang kanyang ina dahil sa pagsigaw niya, “hindi pa rin mababawi ang nalaman ko na niloko ninyo ako pareho ni papa, hindi ko alam kong magulang ko pa ba kayo? Hindi na ninyo mababawi kong ano ang nangyari, dahil niloko ka ni papa, pareho lang kayo, kasi ginawa mo rin sa ‘kin kong ano ang ginawa niya sa ‘yo, puro lang pala palabas ang lahat, hindi pala totoong mabuti kayo sa ‘kin.”                 Saka siya tumalikod at lumabas ng bahay, tinawag pa siya ng ina niya pero hindi niya ito nilingon kahit na isang beses, sarado siya sa lahat lalo na ang isipan niya na makinig sa kahit na anong paliwanag ng ina niya, wala rin siyang pake alam kong umuulan na sa nilalakaran niya, patuloy lang siya sa paglalakad, “kaya pala makulimlim kanina, uulan pala,” malungkot niyang bulong sa kanyang sarili.             Wala siya sa sarili, pilit niyang binubura sa kanyang isipan ang lahat ng nangyari, na ito’y isa sa mga masama niyang panaginip, pero kahit na anong gawin niya hindi na mababago ang lahat, lalo na sa bagay na hindi na makokompleto ang pamilya, sa susunod na buwan na uuwi ang ama niya para lang makipaghiwalay sa kanyang ina, ang ina naman niya ay nakipagtalik sa estudyante nito, mga bagay na hindi siya makapaniwala na mangyayari ito sa kanya, hindi nga niya masasabing perpekto ang lahat ng bagay.             Kalahating oras siyang naglalakad hanggang sa makita niya ang sarili sa harapan ng shop ng kaibigan, papasok na sana siya sa loob ng maramdaman niya ang pagkahilo at sobrang kirot ng sintido niya. Napahawak siya sa pintuan, nang matumba siya, tuluyan niya itong naitulak para mabuksan doon naman siya napansin ng kaibigang si Karen, nang mawalan siya ng malay, narinig pa niya ang boses na tumatawag sa kanyang pangalan, pero ang nasa isip niya ay gusto na muna niyang magpahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD