Chapter 16

1194 Words
Chapter 16             “Char,” tawag sa kanya ng kaibigan na si Karen nang maidilat ni Charlotte ang kanyang mga mata, una niyang nakita ang mukha ng kaibigan na sobrang nag-aalala sa kanya, “kumusta ka na?” Tanong nito sa kanya.             Agad siyang umupo sa kama, napansin niyang nasa silid pala siya ng kanyang kaibigan, malamang nasa bahay siya ngayon nila Karen, naalala niya ang lahat ng nangyari bago siya mawalan ng malay, ang tungkol sa paghihiwalay ng magulang niya, ang pakikipagtalik ng ina niya sa isa nitong estudyante at higit sa lahat, na wala siyang perpektong pamilya, wala siyang perpektong buhay.             Pinilit niyang hindi maging emosyunal pero tumulo pa rin ang luha niya sa mga mata, sumulyap siya sa kaibigan na naghihintay na magsabi siya ng problema, ngumiti siya ng tipid, “maraming salamat,” ‘yon lamang ang tangi niyang na sabi.             “May problema ka ba Char, pwede ka namang magkwento sa ‘kin, tumawag sa ‘kin ang mama mo, sabi ko naman na andito ka at sa tingin ko naman nasa maayos ka nang kalagayan. Ano bang nangyari sa ‘yo at nagpaulan ka? Buti na lang at hindi ka sakitan, ano ba talagang nangyari?”             Umalis siya sa kama, kahit isa sa mga tanong ng kaibigan ay wala siyang gustong sagutin. “Maraming salamat talaga, uuwi na ako, sorry sa pag-abala.”             Hindi na nagsalita pa si Karen at hinayaan na lamang siyang umalis ng bahay, bago pa man siya makauwi ay nagpasalamat na muna siya sa ina ng kaibigan.             Naghihintay naman ang kanyang ina sa kanyang pagdating ng makauwi siya, tahimik itong nakaupo sa sala, pagkapasok niya sa bahay, sandali silang nagkatitigan pero agad naman na umiwas si Charlotte.             “Buti naman at nakauwi na anak, pinagluto kita ng makakain mo, gutom ka na ba?” Hindi pa rin mawala ang inis ni Charlotte kaya hindi niya pinansin ang mga sinasabi ng ina, bagkus ay tinignan na lamang niya ang ina, namumula ang mga mata nito katulad ng sa kanya, umiling siya ng ilang beses, “alam mo ma wag mo muna akong kausapin kasi ayoko, gusto kong makapag-isa, sana naman maintindihan ninyo ako.”             Tumango ang ina niya at ngitian siya ng tipid, “kong yan ang gusto mo.”             Hindi na nagsalita pa si Charlotte at nagmadali siyang umakyat pa tungong silid niya.             Sa mga sumunod na araw naging matamlay siya, pakiramdam niya para bang bumagal ang oras at araw niya. Palagi niyang nakikitang umiiyak pag-siya’y tulala, hindi rin niya gustong makasama ang mga kaibigan, hindi niya gustong mapag-usapan kong ano ba ang problema niya, ang pamilya. Gusto niyang sarilihin ang lahat at mapag-isa, alam niya kasing ipipilit ng mga ito na alamin ang lahat, na siyang kinahihiya niya ang noong pinagmamayabang.             Ngayon ay nasa tagong lugar siya ng paaralan, wala siya sa dating puwesto niya sa field, ngayon ay nasa gym siya, nakaupo sa hagdan papuntang locker room, lumuluha, walang karamay, narinig niya mula sa likuran ang ingay na animoy nagbukas ito, pero hindi niya ito pinansin.             Pero laking gulat na lamang niya nang may papel siyang makita sa harapan niya na hawak ng isang kamay, binasa niya ang nakasulat sa papel kaya natigilan din siya sa kanyang pagluha.             ‘Maigsi lang ang buhay para iyakan mo ang mga bagay na hindi naman dapat, pero katulad nga ng sabi nila, ang pag-iyak lang ang magpapagaan ng nararamdaman mo, kaya sige iiyak mo lang.’             Tiningala niya ang taong kasama niya ngayon, hindi niya inaasahan na si Gray pala ang may gawa n’un, na ngiti ito sa kanya, umupo ito sa tabi niya at tinitigan.             “Gray gusto kong makapag-isa, salamat na lang, sana maintindihan mo ako,” namamaos na wika ng dalaga dahil sa sobra niyang pag-iyak.             Umiling ang binata at nilabas nito ang panyo, natigilan siya nang punasan ni Gray ang luha niya gamit ng panyo nito, “a-ano ba?”             Huminto ang binata at tinuro ang balikat nito, hindi naman niya maitindihan kong anong ibig sabihin nito.             “Umalis ka na lang---” Pero hindi na niya natuloy ang sasabihin ng yakapin siya ng binata, nasubsob siya sa dibdib ng binata dahilan para maitago ang mukha niya, naramdaman niyang mahinang hinahampas ng binata ang likod niya, para bang sinasabing tumahan na siya sa pag-iyak.             “Sa-bi kong umalis ka na, ang kulit mo,” hanggang sa tuluyang umiyak ng umiyak si Charlotte sa bigat ng nararamdaman niya, hindi naman kasi basta-basta mawawala ang sakit na nararamdaman niya tungkol sa nangyari at nalaman niya.             Nang tumahan siya, doon niya na ikwento sa binata ang lahat, kahit papaano gumaan ang pakiramdam niya, “siguro ganito rin ‘yong pakiramdam mo nong mawala ang papa mo tapos mag-aasawa na rin ang mama mo, mahirap pala ano.”             Walang imik na nakikinig lang ang binata sa kanya.             “Maraming salamat,” ngumiti naman si Gray at sinasabing ayos lang ang lahat.             “Pwede bang sa inyo na muna ako matulog, kahit isang gabi lang?” Sa pagkakataon na ito, si Gray ang nagulat sa sinabi niya, “please.”             Nag-type ang binata sa kanyang cellphone at pinakita kay Charlotte.             Hansen: paano kong hanapin ka ng mama mo? Anong gagawin mo? Hindi muna man pwedeng gawin yan.             “Sorry hindi ko naman kasi alam kong saan ako pupunta ngayon, matutulog na lang siguro ako sa kalye ngayong gabi,” mas lalong nagulat si Gray sa sinabi niya.             Huminga ng malalim si Gray at muling binabasa sa dalaga ang bago nitong tinaype sa cellphone.             Hansen: sige na, pero isang gabi lang.             Ngumiti naman ng malawak si Charlotte, “maraming salamat uli.”             Sabay silang lumabas ng gym, nakasalubong nila si Karen.             “Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap ah, hindi ka pumasok sa klase mo, tapos na andito ka lang pala, ano ba talagang nangyayari sa ‘yo?” Hindi umimik si Charlotte, habang si Karen naman ay sumulyap kay Gray, “pwede bang iwan mo muna kami, may importante kasi kaming pag-uusapan ng kaibigan ko.”             Nagkipit-balikat lang ang binata at lumayo sa dalawang dalaga.             “Karen ano bang nangyayari sa ‘yo?” Tanong ni Charlotte.             “Ikaw, sa ‘yo mo dapat tinatanong yan, tapos malalaman ko na kasama mo si Gray, ikaw na nagsabing iba siya sa lahat, bakit ngayon magkasama kayo? Dahil ba ‘to sa problema ng mama mo, pati kaming tunay mong kaibigan iniwasan mo.”             “Alam mo Karen kong hinahanap mo ako dahil sasabihin mo yan, sana hindi muna lang ginawa,” inis na wika ni Charlotte.             “Char kilala mo pa ba ang sarili mo? Pakingan mo nga yang mga pinagsasabi mo, hindi yan ikaw, kong may problema ka sa amin ka magsabi ni Clarence, na andito naman kami para sa ‘yo, kong naghahanap ka ng kaibigan na makakausap, kami ‘yon, hindi mo kami basta kaibigan, pamilya mo kami, tandaan mo yan, pero kong gusto mong makapag-isa, sige papayagan kita, pero wag kang sasama kay Gray, lumayo ka sa kanya dahil sa katulad niya ang mga taong hindi pwedeng pagkatiwalaan,” alam ng dalagang si Karen na narinig ng binata ang lahat ng sinabi nito, “mag-iingat ka,” sabay talikod ni Karen kay Charlotte.             Gusto man makasama ni Charlotte ang mga kaibigan niya, pero hindi niya magawa, mas gusto niyang may iba siyang kasama ngayon, magkwento naman siya kong gusto niya, wag lang ngayon, ngumiti siya kay Gray at lumapit.             “Halika na, uwi na tayo sa inyo,” sambit ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD