Chapter 17

1267 Words
Chapter 17 Isang oras ang nakalipas bago sila makarating sa bahay ni Gray, pagakarating nila doon ay agad silang naghapunan ng sabay, tumambay naman sila sa music room ng bahay, hindi na nagulat pa si Charlotte na may gano’ng silid sa bahay ng mga Cervantes sa laki nito.             Pinapanood lang ni Charlotte sa pagtugtug ang binata sa piano nito, ngayon lang niya nalaman na marunong pala sa mga instrumento ang binata, marunong ito sa guitara, cello at violin. Talentado ang binata, alam niyang matalino rin ito, maitsura naman ang binata, halos perpekto naman ito, ‘yon nga lang may isang kulang para masabeng perpekto ang binata, hindi naman ito nakakapagsalita.             Hindi niya na pansin na sobra na matagal na pala siyang nakatitig sa binata, tapos na rin ang tugtug ng binata, sumulyap ito, na pansin lang niyang tapos na nang ngumisi ito sa kanya, hindi siya nagsalita pero naramdaman niya ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi.             “A-ang galing mo pala sa piano, sana next time maturuan mo ako.” Wika niya sa binata at nag-iwas siya ng tingin. ~*~             ‘Bakit mukhang hindi na naman siya komportable sa ‘kin?’ Tanong ni Gray sa kanyang isipan, lumayo siya sa tabi ng binata at kinuha ang guitara sa tabi ng piano, umupo siya sa sahig kong saan kaharap na niya ang binata at tinugtugan ang dalaga, nang matapos naman niya ‘yon ay muli siyang sumulyap sa binatang nakatitig sa kanya kanina pa.             “Alam mo Gray talented ka talaga, malamang maraming babaeng magkakagusto sa ‘yo,” bahagyang nagulat ang binata sa sinabi ni Charlotte, “yan kasi ang mga type nila sa lalaki, ‘yong maraming alam, gwapo ka naman ‘yon nga lang hindi nila maririnig ‘yong boses mo.”             Nakaramdama ng hiya si Gray pero hindi niya pinahalata sa dalaga, ‘ikaw ba magugustuhan mo ba ako kahit ganito ako? Siguro hindi,’ sabi niya sa kanyang isipan, ang mga salitang gusto niyang sabihin sa pamamagitan ng pagsasalita ay palagi na lamang niyang sinasa-isip.             “Sige Gray, matutulog na ako, may pasok pa tayo bukas, ikaw din magpahinga kana, goodnight Gray,” unang lumabas ng silid si Charlotte at naghintay pa siya ng ilang oras bago lumabas ng music room, makalipas ng isa’t kahalating oras saka siya lumabas.             Hindi siya dumiretso sa silid niya kong di sa mismong silid ng dalaga, ‘yon ang madalas niyang gawin bago siya matulog pag-nasa kanila si Charlotte, para pagmasdan ang mukha nitong napaka-amo, hindi niya mapigilan na hindi gawin ang bagay na ‘yon simula nang makilala niya ito, ‘yon lang naman ang paraan niya para matitigan ang dalaga, sa tuwing hindi ito nakatingin sa kanya, dahil may lihim siyang pagtingin sa dalaga.             Bagay na hindi niya mawari kong kailan niya naramdaman, pero may bagay siyang gustong gawin, ang lumayo sa dalaga hangga’t kaya niya, gusto niya kasing iligtas si Charlotte sa kanyang sarili, malaki kasi ang posibilidad na mapapahamak ito kong papayagan niya itong mapalapit sa kanya, imbes na siya mismo ang lumayo, palagi naman siyang lapit ng lapit, bagay na hindi niya mapigilan.             Gusto niyang palaging binabantayan si Charlotte, gusto niyang suklian ang kabaitang pinapakita nito sa kanya kahit kakaiba siya, dahil kay Charlotte unti-unting nagbabago ang paniniwala niya sa buhay, dahil sa dalaga gusto niyang bumalik sa dating siya, na mi-miss na rin niya ang madalas niyang gawin.             Hindi naman na mababago ang nakaraan pero may isang bagay siyang gustong gawin, ‘hangga’t na andito ako, hindi ko papayagan na may mapahamak ka, kahit na pumatay ako, kahit na mamamatay ako, gusto kong mabawi ang mga pagkakamaling hindi ko na gawa noon.’ ~*~             Umaga na nang makauwi si Charlotte sa kanilang bahay pagkagaling kila Gray, nakita niya ang inang naghihintay sa kanya sa mismong sala, masama ang tingin nito sa kanya, “saan ka galing babae ka? Hindi ka umuwi kahapon, sabi nila Karen na kasama mo ang tutor student mong si Hansen, doon ka ba natulog sa bahay nila?”             Hindi sumagot si Charlotte, pero patuloy lang ang ina niya sa pagsesermon sa kanya.             “Alam mong hindi kita panilaking ganyan, alam kong may hindi tayo pagkakaintindihan, pero wag muna idaan sa ganito ang galit mo, wag kang maging rebelde sa ‘kin kasi sinisira mo lang ang buhay mo,” wika ng ina niya.             Ngumisi si Charlotte, “tama na ma sa pag-papanggap mong isa kang mabait at magaling na ina kahit na alam natin kong anong ginawa mo. Isa pa hindi ako nagrerebelde sa inyo kasi alam ko kong anong ginagawa ko, hindi mo ba ako maintindihan na hindi kita gustong makita, pinalaki mo nga at laking pasalamat ko na hindi mo tinuro sa ‘kin ‘yong pagiging malandi mo.”             Agad na sinampal si Charlotte ng kanyang ina dahil sa kanyang sinabi, animoy na bingi ang dalaga dahil sa ginawa nito, pero saka lang na isip ng ina niya kong anong na gawa nito.             “Sorry anak,” lumayo si Charlotte ng gusto siyang hawakan ng ina.             Umiling siya at gustong maluha ang mga mata pero pinipigilan niyang mangyari, “tama na ma, nangyari na eh.”             Nilagpasan niya ang ina at dumiretso sa silid niya para makapaghanda sa kanyang pagpasok. ~*~             Natapos na ang buong maghapon na trabaho ni Mrs. Samonte, pagkauwi niya ng bahay, hindi na naman niya nakita si Charlotte, hindi na niya naririnig ang kadaldalan ng anak sa tuwing uuwi siya, alam niyang kasalanan niya ang lahat, sana noong unang kaya pa niyang pigilan, sana nagawa na niya pero may nagtutulak sa kanyang gawin ‘yon kaya nangyari ang lahat ng ito.             Hindi niya inubos ang sarili sa pag-iisip kong na saan ang anak, nagluto siya para kong sakaling dumating ito’y ay makakain agad ito, pero umabot ang paghihintay ng mahigit tatlong oras, gabi at madilim na sa labas, pero wala pa rin si Charlotte, nakaramdam na naman siya ng kaba at takot kong na saan man ngayon ang dalaga.             Nalaman niyang madalas na itong sumama kay Gray, na ang pagkakaalam niya ay isang misteryosong binata na kahit ang mga gurong katulad niya sa WA ay iwas sa binata, kinuha niya ang telepono at dinial ang cellphone ng police station na malapit lang sa kanila.             Ilang beses itong nag-ring hanggang sa may sumagot sa kabilang linya, “hello, kailangan ko po ng tulong ninyo, wala pa kasi ang anak ko sa bahay namin, sa tingin ko nasa panganib siya.” ~*~             “Detective Irene may kailangan po kayong malaman,” wika ng sekretarya ni Irene nang magkaharap sila pagkatapos niya sa paghahanap ng bagong kasagutan sa kasong hinahawakan niya dahil mailap pa rin ito sa kanya.             Madalas na siyang magpunta sa lugar kong saan nakita niya ang babaeng vendor pero sa tuwing pupunta siya sa hapon ay madalas din niyang makita roon ang misteryosong binatang inimbestigahan niya, sa tuwing umaga naman ay wala ito sa dating puwesto kaya ang alam niya ay sa tuwing hapon lang ito nagtitinda, kailangan niyang ma-tiempuhan ang babae na wala ang binata.             “Ano ‘yon?” Tanong niya sa sekretarya.             “May tumawag po kasi sa atin, sabi niya nasa panganib ang anak niya, sinabi niya sa ‘kin kong saan lugar ito naroroon, pamilyar ang lugar na ‘yon sa kasong hinahawakan mo,” kinabahan si Irene sa narinig niya.             “Saan daw? Kong alam niya ang lugar, bakit hindi siya ang magpunta?”             “Dahil kailangan daw po niya ng tulong natin, hindi ko po alam kong bakit niya nasabi ‘yon, pero binaggit po niya na nasa bahay ito ng mga Cervantes,” nang laki ang mata ni Irene sa narinig niyang Cervantes. Kong sa tingin ng babaeng tumawag sa kanya na delikado ang buhay ng anak niya, baka totoo ‘yon, lalo na ang mga nawawalang pitong tao ay may kaugnayan sa mga Cervantes. Agad siyang kumilos at nagdala ng ilang team sa pupuntahan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD