Tuluyang dumating ang araw na pinakahihintay ng lahat. Kabuwanan na ni Chris at halos sa bahay na rin ng mga Poblete tumira ang tiyahin at tiyuhin upang mabantayan daw siya. Makailang ulit mang sabihan ang mga itong ayos lamang siya pero mapilit ang mga ito at mukhang guilty pa siya dahil nagtatampo pa ang mga ito kapag sinasabing kaya na niya. Kahit papaano naman at natutulungan siya ng mga ito. Lalo na ngayon na ang laki na ng tiyan niya at hirap nang gumalaw. Palagi naman sa tabi ang asawa pero kailangan din nitong pumasok sa opisina nito. Hirap na hirap siyang tumayo. Nasa tabi ang tiyahin habang ang tiyuhin ay sa lapag naman. Ihing-ihi na siya kaya napabangon siya. Ingat siya dahil baka maapakan ang tiyuhin. Napapaliyad pa siya sa bigat ng tiyan. Hindi maipaliwanag ang nararamdaman

