Maya-maya ay nagkukumahog na dumating ang ang asawa, hipag, ang tiyahin at tiyuhin ngunit agad silang inawat ng dalawang nurse. "Hep! Ano sa tingin niyo ang ginagawa ninyo? And look at yourself?" dagdag pa nito sabay turo sa kanilang mga mukha. Agad na nagtinginan ang apat. "Sa labas na lang po kayo maghintay," sabad ng nurse. "Ah, sa labas pala tayo maghihintay eh," turan ng lahat. Saka akmang aalis ka. "At saan kayo pupunta?" hirit ulit ng nurse nang makitang susugod pa rin ang mga ito sa kinaroroonan ng pasyenteng nakikipagmatigasan at ayaw pa ring bumuka. "Ahhhhh!" hiyaw na naman ni Chris. "Hay naku, Misis. Hangga't hindi ka bumubuka ay hindi makakalabas ang anak mo!" mariing wika ng doktor. Muling napasilip sa kinaroroonan ng kaniyang mga kapamilya na tila tinataboy ng sang nur