Babanat pa lamang si Lourdes ng iyak nang bumukas ang pintuhan na kinaroroonan ni Chris kaya nabitin sa ere ang gagawin sana. Paglingon sa pintuhan ay nakita ang dalawang guwapong lalaki. Napatayo agad si Lourdes nang makita ang mga lalaking nurse. "Ateng, akala ko ba ay iiyak ka pa? Nakakita ka lang ng guwapo ay parang walang nangyari," bara ni Bonie sa kapatid. Doon ay biglang nabalik sa isipan ni Lourdes ang tungkol sa kuwento ni Carlito. Umalsa ang mukha dahilan para matakot si Bonie. "Okay, Ateng. Pumunta ka na doon, sugos sa mga guwapo," anito sabay nguso. Ngunit masyado nang tuon ang pansin nito sa kaniya dahilan upang mapaatras siya. "Ikaw na bakla ka, wala kang magandang ginawa! Dahil sa'yo napurnada ang dapat ay magandang kinabukasan ko! Dahil sa pagbibiro mo, nakumpromiso