Muling pumalahaw ng iyak ang kanilang munting anghel. "Aba, pamangkin. Baka naman may balak kang padedehin ang anak mo?" turan ng kaniyang Tita Bonie. Napatingin siya sa lahat ng naroroon. Napalunok siya dahil tiyak lahat sila ay mapapatingin sa kaniya. Mukhang napansin iyon ng tiyahin. "Sus! Huwag ka ng mahiya. Mukhang gutom na itong cute na cute na apo ko. Namumula na sa kakaiyak," anang pa nito. "Sige na, babe. Baka naman magutom ang anak natin," hirit pa ng asawa. "Oo naman, Sis. Bilis na baka magka-ulcer ang pamangkin ko," hirit pa nito. "Oo nga Chris. Baka naman magmana sa Tita Bonie mo na nakulangan sa gatas kaya never tumaba," hirit naman ni Sherry. "Ay, grabe ka doon girl. Ako talaga ang ginawa mong example," bara naman nito. "Okay, fine. Sige na Chris padedehin mo na ang