Pagkapasok nila sa silid ng asawa ay napangiti siya dahil malinis at masinop iyon. Agad niyang nilapag ang lahat ng gamit ng kanilang anak. Habang si Dom naman ay nilapag ang anak sa kuna. Mukhang pinaghandaan na talaga nitong sa silid nito sila maglalaging mag-ina dahil naroroon na ang ilang gamit ng anak. Pagkalapag ng gamit ng anak ay agad siyang nagtungo sa banyo upang mag-imis na. Masyado siyang pagod kahit wala naman siyang gaanong ginawa maghapon. Paglabas niya ng banyo ay wala ang asawa. Sinilip ang anak at mukhang mahimbing naman na ito kaya agad na rin siyang sumampa sa kama upang makapagpahinga na rin. Magkukumot na sana siya nang bumukas ang pintuhan at niluwa noon ang asawa. "Sa lapag ka matutulog!" paingus na wika rito. Dumretso si Dom sa tabi ng kuna ng anak at tinigna