Chapter 44:

1588 Words

Unti-unting napalakad ang magkapatid matapos makita ang vault. Hindi nila ang tungkol doon, may kalumaan iyon at marahil ay pinasadya talaga ng mga magulang. Muli silang nagtinginang magkapatid sabay lingon kay Chris. Hindi malaman ni Chris kung ano ang iniisip ng magkapatid habang nakatingin sa kaniya. "Don't tell me, ako pa magbubukas?!" basag muli sa mga ito. Doon ay tila natauhan si Dom at agad na lumapit si Dom. Marahan dahil nagkalat ang bubog mula sa painting na bumagsak. Sinubukan niyang buksan pero ayaw bumukas. Naging palaisipan tuloy sa kanila kung ano ang nilalaman ng vault na iyon. Wala kasing nababanggit noon ang magulang tungkol doon. "Ayaw eh," anang ni Dom nang makailang ulit siyang sumubok. Lahat na yata ng birthday nila ay nalagay na niya ngunit ayaw pa ring bumukas.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD