Matapos nang mala-horror na kaganapan sa kanila ay nilipat muna si Chris sa itaas na bahagi ng bahay. Sa guest room na muna siya, kahit papaano ay matiwasay rin siyang nakapagpahinga. Nang magising siya ay agad na dinilat ang mga mata. Napasapo sa ulo dahil mukhang napasarap ang tulog at hindi namalayang gabi na pala. Madilim na kasi ang natatanaw na bintana. Tumayo siya at inayos ang sarili. Napatda siya nang makita ang kabuuan sa malaking salamin na naroroon. Doon lang niya napagtantong tignan ang sarili. Nakailang lunok siya nang halos hindi makilala ang sarili. Maglilimang buwan na ang tiyan at maumbok na iyon dahilan upang magsuot ng bestida. Noong una ay ayaw pa niya pero dahil nahihirapan na rin siya ay wala siyang nagawa. Ibang-iba ang Chris na nakikita sa salamin. Pahaba na ri