Nangangasim ang sikmura ni Chris nang magising. Agad siyang lumabas ng silid at tinungo ang banyo at doon ay nagsuka nang nagsuka. Sabayang napasugod naman ang kaniyang Tiyang Lourdes at Tita Bonie niya. "Ay! Iyan na, sabi ko na nga ba. Three points agad," tili ng Tita Bonie. "Ikaw talaga!" batok ng tiyahin rito. "Okay ka lang ba, Chrsitina?" maya-maya ay lapit nito sa kaniya. "Tiyang," nahihintakutang wika. "Naku, normal lang iyan. Hayaan mo at kapag nalampasan mo ang stage na paglilihi ay aayos din ang pakiramdam mo," wika pa nito. Magdadalawang buwan na mula nang may mangyari sa kanila ng boss. Hindi pa rin nito nababawi ang kompaniya nito mula sa tiyahin. Tapos heto ngayon at buntis siya. Napasapo siya sa noo na pinagpapawisan ng malapot. Matapos magsuka at halos wala na siyang ma