Nang marating ang hotel na binigay ng kaibigan ay humanga siya. Elegante at talaga namang napakaganda. Agad na sinabi sa reception ang pakay at agad naman siyang inasistehan ng ilang kawani ng hotel. Halos malula siya sa tayog ng hotel na kinaroroonan at sa rooftop pa siya patungo ayon sa kaibigan. Pagdating doon ay mas lalo siyang namangha. Maraming tao at may kaingayan. Mabilis na ginala ang tingin upang hanapin ang kaibigang si Maine at doon ay nakita itong panay ay awat sa kapatid nitong tila lango na sa alak. Agad siya nitong napansin nang lumapit siya sa mga ito. "Good that you're here," bulalas nito na tila nawawalan na ng pasesniya sa Kuya nito. "Oh, mukhang bangag na ah," aniya rito. "Mismo!" aniya saka tumayo. "Ikaw na muna bahala kay Kuya," anito saka mabilis na tumayo. "Ha