Nang mainis dahil sa ngisi ng lalaki ay agad silang sumunod sa boss. Batid na masakit iyon para rito, ang pagtaksilan siya at mawala ang kompaniya sa kamay nito dahil binili nitong umibig sa tulad ng isang Ferdinand. "Kuya?" mabilis na tawag ni Maine sa kapatid na noon ay papaalis sa kanilang building. Napahinto ito at paglingon ay nahilam ng luha ang mga mata nito. "Kuya," nahinang sambit ni Maine. "Alam niyo ba ang tungkol dito?" maya-maya ay wika nito. Doon ay tumango ang kaibigan. "Binalaan ka namin pero masyado kang nabulag sa pagmamahal mo sa kaniya. Paano naman malalaman kung tinatago mo, ilang beses naming tinangkang alamin kung ano ang namamagitan sa inyo?" saad nito. Maging si Chris ay naawa sa boss. Unang isugal ang puso upang tuluyang lumaya sa pagkataong meron siya tapos m