Maagang pumasok si Chris dahil na rin sa sinabi ng boss na kailangan niyang maaga dahil maghahanda sila para sa gagawing quarterly conference ng mga share holder nila. Kahit papaano naman ay masaya siya dahil maaga siyang pinauwi ng boss kahapon at may bonus pa na sahod niya. Ngayon ay tiyak na darating mamaya ang magkakabit ng kanilang internet na talaga namang pinaghandaan ng kaniyang Tiyang Lourdes na hindi pa pumasok sa kaniyang pwesto masigurado lamang na may tao sa kanilang bahay at makakabitan sila. Hindi pa man siya nakakaupo sa kaniyang upuan ng bumukas ang pintuhan at pumasok ang kaniyang boss. Mukhang maaga rin ito at talaga namang kagalang-galang sa suot nito. Lalaking-lalaki tignan. "Bakit ganiyan ka makatingin?" banat nito ng matapat sa kaniyang harapan. Agad siyang napang