Dumating ang araw na pinakahihintay ng lahat maliban kay Chris. Hanggang sa sandaling iyon ay nagtatalo ang puso at isipan sa kung tama bang magpakasal siya kay Dominador. "Ahhhh! Ang ganda-ganda talaga ng pamangkin namin. Mana sa akin," tili ng Tita Bonie niya. "Ay, wow! Sa'yo ba talaga nagmana, hindi kaya sa akin?" agaw eksena naman ng kaniyang tiyahin. "Oh, bakit ganiyan ang mukha mo. You should be happy, you're going to marry," english nito. "Ahhh! Ateng, mukhang bumibinggo ka. Mukhang marami kang natututunan sa iyong fafa," wika ng Tita Bonie niya. Tukoy sa foreigner nitong kausap lagi sa internet. "Bakit naman kasi mukha kang nagluluksa pamangkin. Ang ganda pa naman ng iyong gown, ang iyong make-up tapos dinaig mo ang nguso ng baboy," gagad nito. "Tita Bonie naman eh," angil s