Deretso ang bawat hakbang ng babae, bakas sa bawat hakbang nito ang pakay na guluhin ang kasalang nagaganap. Nang makarating na sa harap ang babae ay muli itong nagsalita. “Okay, Father, pwede niyo na pong ipagpatuloy,” anito sabay tanggal sa mala-bilao nitong sombrero at halos mapauwang ang bibig ni Chris nang mapagsino ang babaeng bagong dating. “Ah, Father, pwede na po nating simulan. Sorry, medyo late kasi ako,” hirit pa ng kaibigan. Tila naman nakahuma na ang pari sa pagkabigla sa pagdating ni Madam Sherry. “Wala po bang tumututol sa kasalang ito?” muling tanong ng pari. Napatingin siya kay Dominador nang maya-maya ay mapatigil ang pari at napatingin ang lahat sa may malaking tarangkahan. Maging sila ni Dominador ay napalingon at nakita roon ang isang lalaki. Muling baling ang ti