Lahat sila ay natigilan. Maging sila Maine at Sherry ay napabitaw sa pagpapahawak sa kaniya. Siya man ay napatigil sabay tingin sa kaniyang harapan. Napangiti ng makitang mayroon siyang suot na sando. Doon ay napangisi niya. Buti na lamang talaga at hindi hinubad ang kaniyang sando kanina dahil hindi na nalabhan ang pinasuot ni Maine sa kaniya. "Akala ko ba original ito?" maang kay Sherry. "Bakit talsik ang butones!" inis rito. Tumawa ito. "Gaga! Malaki lang ang hinaharap mo?" saad nito. "Aba! Nasagot ka pa!" banas pa rin. "Sige, at hindi kita papakainin," banta nito. "Bakit, pera mo ba?" gagad naman dito saka mabilis na binalingan si Maine. Halos batukan ito nang sa kapatid naman ni Joaqui ito nagpapa-cute. Ngunit nang makitang kumaway pa sa dalawang lalaki na paalis ay doon ito na