"Ay! Bongga!" tili ng kaniyang Tita Bonnie ng bumungad sila sa lounge ng hotel. Maraming pagkain ang nakahatag sa malawak na buffet table. Nanlaki ang mga mata ni Chris sa mga pagkain. "Ang ganda-ganda talaga ng sister in law ko," gagad naman ni Maine na kinangiwi naman ni Chris. Nakita iyon ng kaibigan kaya muling humirit. "Yes at bagay na bagay mo ang pinili kong pink dress. Tiyak na babae ang aking magiging pamangkin," dagdag pa nito. Mas lalong nalukot ang mukha niya. "Anong kinalaman ng pink dress sa kasarian ng aking magiging anak!" bulalas rito. Tumawa ito. "Wala lang, malay natin at magkatotoo," anito. "Ewan ko sa'yo!" bara dito saka mabilis na tinungo ang buffet table. "Wait, sis!" maarteng pigil ni Maine sa kaniya. "Ano?" inis ma baling rito. "Bakit ba ang init ng ulo mo?"