Tila dinadaya pa siya ng pandinig. Babaliwalain sana iyon nang muling umusal ang labi ng nakapikit na asawa. "Christina, huwag mo akong iiwan. Mahal na mahal kita," ulit nito at mas klaro na ang bawat bigkas nito. Tila ba, mas tiyak na ang bawat bitaw nito ng bawat salitang namutawi sa kaniyang bibig. "Hoy!" aniya rito upang gisingin sana upang matulog sa silid nito. "Hoy!" muling untag pero dinig na ang hilik nito. Wala siyang nagawa kundi ang iwan ito. Naiiling siya sa narinig na sinabi nito. Hindi makapaniwala dahil paano ba naman magkakaroon ng pagtingin ang isang baklang katulad nito sa isang tomboy na katulad niya. 'Bakit hindi, pareho pa rin kayong babae at lalaki,' singit ng kabilang parte ng isipan. Pinagpag sa isipan ang naisip na ideyang pwedeng mag-ibigan ang isang tomboy at