Kahit papaano ay mabait naman ang matandang ka-date ng tiyahin. Tuwang-tuwa ito sa pagiging jolly at bubbly ng kaniyang tiyahin. Mukha namang nasasabayan ang kabaliwan nito. Bukod pa doon ay tila prinsesa ang tiyahin sa kung paano nito itrato. "Bongga, Ateng. Kahit naman mukhang kulang sa sustansya eh, mabitamina ang bulsa. Mukhang madatung," gilalas ng kaniyang Tita Bonie sa kaniyang Tiyang Lourdes nang akuhin ng ka-date nito ang pagbabayad ng bills nila sa kinain nila. Masaya kahit papaano si Chris sa nakikitang kasiyahan sa mukha ng tiyahin sa pagdating ng lalaking mag-aalalaga at makakasama nito sa pagtanda. Nang matapos sila doon ay agad silang nagtungo sa department store. Doon ay hindi magkandatuto ang tatlo sa pagpili ng pink na damit at gamit. Nakisali pa ang Amerikanong ngayo