Nagtawanan ang lahat sa kaniyang sinabi. "Sis, hindi ka hasaan. Ikaw ang katuparan ng pangarap naming lahat. Ikaw lang ang magbibigay sa amin ng apo at pamangkin kaya, more apo at pamangkin to come," natatawang wika ni Maine. "So, gagawin niyo naman akong palahian, ganoon?" gilalas ulit rito. "Hindi naman sa ganoon, ikaw lang talaga ang may kakayahang magbigay noon. Kung pwede lang ay willing ang magbuntis pero kahit mag-circus at mag-tumbling ako rito ay wala na akong pag-asa," anito na lumungkot. "Yes, kaya pamangkin. Bigyan mo kami ng maraming apo," hirit pa ng Tita Bonie niya. Gustuhin mang barahin ang mga ito pero ayaw na niyang makipag-argumento sa mga ito lalo pa at sa dami ng pinamili nila at sinukat na damit ay nagutom siya. Mas lalong nanlumo nang makita ang mahabang pila sa