Keithe "Kumain ka na ba? You're pale. Ako na ang magda-drive." "Tapos na." Inalalayan niya akong makapasok sa kotse at siya ang nagtungo sa driver's seat. Hindi na ako nagpumilit pa dahil ramdam ko sa sarili ko na parang hindi ko kakayanin. I don't know why I feel so weak. Nararamdaman ko rin ang paghilab ng sikmura ko kahit kumain naman ako ng ayos kanina sa bahay. "Do you have a birth certificate?" he asked as he started the car's engine. "No," mahina ko namang sagot. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang paglingon niya sa akin at kaagad din akong napatingin sa kanya nang lumapit siya sa akin at hinila ang seatbelt ko. Siya na rin ang nagsuot nito sa akin. Sa dami ng kaguluhan sa isipan ko at kakaibang nararamdaman ko ay halos hindi na gumagana ang isipan ko at katawan k