Keithe Kaagad akong bumaba ng kama kahit bahagya pa rin akong nahihilo. Inalalayan naman ako ni Jayvee sa braso at sinamahan palabas ng silid hanggang sa makarating kami sa pinto ng unit. I turned to Lyka behind us but I saw her enter through a door into the room. Pagbukas ni Jayvee sa pinto ay madilim na anyo ni Reynard ang bumungad sa amin. Kumabog ng husto ang dibdib ko sa takot at segundo lamang ay bigla na lamang humagis si Jayvee at bumagsak sa sahig. "Reynard!" napasigaw ako sa gulat at nakita ko na lamang na nasa ibabaw na ni Jayvee si Reynard at pinauulanan na ng suntok ang mukha nito. "I already told you to stay fuckin' away from my wife!" "Reynard, itigil mo 'yan! Lyka!" Lumapit ako kay Reynard at hinawakan siya sa balikat upang hilahin siya ngunit wala akong magawa sa