UMATAKE si Annie, sa mga lalaking militar at naitumba niya ang sampu. Dali-dali siyang tumakbo at sa exit dumaan, subalit napahinto siya dahil nakatayo ang anim na miyembro ng Pardus Force. "Sumuko ka na!" sigaw ni Marissa. Ngunit hindi nakinig si Valencia, at bigla itong tumakbo si kinaroroonan ni Marissa at hindi niya ito napaghandaan dahil sa bilis ng galaw nito. Na halatang sanay na sanay sa martial arts, nahawakan ni Valencia ang balikat ni Marissa at ang isang kamay ay mayroong hawak na hunting knife. Hindi siya makakilos dahil nakatutok sa kanyang leeg ang patalim. "Walang sumunod! Diyan lang kayo!" singhal niyang utos sa mga ito. "Bitiwan mo siya!" sigaw ni Klent, at kinabahan siya sa maaring gawin nito kay Marissa. "Sinabing walang susunod! Tutuluyan ko ito!" Pananakot n