KINABUKASAN nang umaga ay dumalaw si Annie, kay Kumander Allhe, at banaag sa mukha nito ang sobrang pag-alala. "A-allhe…" sambit ni Annie, at dali-daling lumapit sa kanya. "K-k-kumusta k-ka na?" At hinawakan ang kamay niya. "Okay na ako, Annie. Buti at nakadalaw ka." "S-s-sorry… n-ngayon l-lang a-ako n-n-nakadalaw!" "Walang problema, naintindihan ko. Kumusta ang trabaho mo?" "O-okay l-lang n-naman!" "Maupo ka!" "S-s-sino s-iya?" tanong ni Annie sa isang pasyente na nakahiga sa isang kama. Tumingin si Kumander Allhe sa kaniya at napansin niya ang mata nito na kung saan-saan nakatingin. Bigla siyang nanibago dahil hindi naman ito ganito noon. "Siya si Switlyne, isa sa miyembro ng Pardus Force." Pakilala niya rito. Tumingin si Kumander Allhe sa kanya at nagsenyas ito gamit ang mg