UMATRAS siya habang nasa likuran niya si Albert, nagtaka naman ang binata kung bakit humigpit ang hawak ni Switlyne sa kanyang kamay. "Bakit?" bulong na tanong ni Albert III. "May mga baril sila," paanas nitong tugon. "Huh! Nasaan?" "Nasa baywang nila—" "Hoy! Kayong dalawa! Ano ang pinagbulung-bulungan ninyo, ha?" Dahan-dahan na lumapit ang isang lalaki at binunot ang barilin nito. Nang makalapit na ang lalaki ay agad itinulak ni Switlyne si Albert III, sa sulok at agad niyang binali ang kamay ng lalaki. Sabay agaw niya sa baril at pinalo niya ang lalaki sa batok. Gulat naman ang reaksyon ng lima pang kasamahan nito. "Switlyne…" sigaw ni Albert, dahil sobra siyang natakot para sa dalaga. "Diyan ka lang!" singhal niya rito. Kahit ang ibang customers ay kinabahan rin para sa