HABANG patuloy silang naglalakad ay naisipan ni Kumander Allhe na maglagay siya ng palatandaan kung saan ang direksyon ng kanilang pinuntahan gamit ang kanyang military hunting knife ay iginuhit niya ang arrow sa puno at bato. "Allhe, tignan mo!" Sabay turo ni Jacob sa kabilang bahagi, dahil maraming kabahayan ang naroon. "Puntahan natin," pahayag naman niya. Bumaba sila sa kabilang kapatagan upang puntahan ang isang baryo. Isang oras bago sila nakarating sa baba at nagpapahinga lang sila saglit bago ipinagpatuloy ang kanilang pagtatanong. "Mas mabuti siguro kung maghiwalay tayo. Albert, Switlyne, doon kayo sa kabila at dito naman kami," mungkahi ni Kumander Allhe. "Sige po, Ate Allhe." "Huwag kayong lumayo ha." Bilin niya rito. "Opo, Kumander!" Nagsimula silang magtanong-tan