HANGGANG dinala sila sa kampo ng mga rebelde na parehong nakatali ang kanilang mga kamay. "Ikulong ang mga iyan! At siguraduhin na hindi sila makatakas!" utos ng kanilang lider. "Pasok!" galit na utos ng isang miyembro at itinulak sila sa loob ng kulungan. Ang huling pinasok ay si Switlyne at malakas ang pagkatulak sa kanya at nakasubsob ito sa lupa. "Swit!" bulalas ni Albert III, at dali-daling tinulungan ang dalaga upang mapaupo niya ito. "Okay ka lang?" pag-aalala niyang tanong rito. "Oo," pabulong niyang tugon. Biglang tumayo si Albert III, at pinuntahan ang nagtulak kay Switlyne na kasalukuyang nag-lock sa kulungan nila at sinipa niya ang bakal. "Albert!" Napataas ang boses ni Kumander Allhe at patakbo itong nilapitan ang kapatid at niyakap. Upang protektahan laban sa k