TINITIGAN ni MG. Samonte si CGPA. Sirocco, na parang kakainin nitong buhay ang kaharap. "Bakit?" seryosong tanong ni CGPA. Sirocco. "Hindi pa ako nakaganti sa iyo!" "Huwag mo nang pangarapin! Pasalamat ka 'yan lang ang natanggap mo sa akin." "Tama na nga iyan! Pag-usapan muna natin ang kasal ng mga anak natin!" Awat ni Doktora Sheann sa dalawa. "Sa akin ready ako, ewan ko lang dyan sa isa!" Patama na naman ni CGPA. Sirocco sa kanyang kaharap. "Siyempre, ready na rin ako!" matigas naman na tugon ni MG. Samonte. "Ow… Are you sure? Sino naman iyong dalaga na ipinakilala mo kay Jacob? Akala mo hindi ko nakita ha!" "Wala iyon! Anak iyon ng kaibigan ko." "Huwag po kayong mag-alala, Tito. Kahit ilang babae pa iyang maghuhubad sa harapan ko, hindi ako titingin sa kanila. Dahil nag-ii