NAPAHINTO sa pagsasalita si MG. Samonte at lumingon sa likuran niya, at bahagya itong nabigla nang makita niya kung sino ang nagsasalita. "Kanina ka pa diyan?!" seryoso na tanong ni MG. Samonte. "Ang tanong ko ang sagutin mo! Bakit hindi siya puwedeng mapabilang sa pamilya mo?!" "Dahil may relasyon kayo! Dahil mistress mo siya!" walang preno nitong sabi, at narinig ito ng ibang mga bisita at napatingin ito sa kanila. Halos nagbubulung-bulungan ang mga ito at parehong nabigla ang mag-ama sa narinig nila. Kahit si Annie ay nagulat sa narinig niya at bahagya itong ngumiti. "Nakita kong niyakap at hinalikan mo siya sa noo!" dagdag pa niya. Isang malakas na suntok ang dumapo sa kabilang pisngi niya. "Dahan-dahan ka sa mga salitang binitiwan mo, Jayme! Baka makalimutan kong magkumpare