Pumila at nagbayad na kami sa cashier pagkatapos. Tulak ni Iñigo ang aming cart at mas malapit siya kaya naunahan niya muli ako sa pagbabayad. Napapaismid nalang ako at hinayaan siya. Hindi naman siya pinipilit. Sariling kagustuhan niya 'yang mga ginagawa niya. Sumakay na ako sa shotgun seat ng kotse niya habang nilalagay pa niya ang groceries sa likod. Pumasok na rin siya sa driver's seat pagkatapos. Wala muli kaming imikan habang nagddrive siya. Nanatili din naman ang mga mata ko sa bintana ng sasakyan. Tinitingnan ko ang magagandang tanawing nadadaanan sa labas. Nang makarating sa bahay ay hinayaan ko muli si Iñigo sa paglalagay at pag-aayos doon ng mga pinamili namin. Umakyat na ako sa kwarto ko at piniling magpahinga. Nang mag-linggo ay sumama din siya sa amin ni Auntie Mercy

