Tahimik si Iñigo sa sasakyan pauwi ng bahay ni Auntie Mercy. Sinusulyapsulyapan ko siya na nagmamaneho pero hindi na siya tumingin sa akin. Binaling ko nalang ang atensyon sa bintana. Abala rin si Auntie sa katawagan na mukhang co-teacher niya. Lumuwas muli siya ng Manila pero iyon na yata ang pinakamatagal na nakabalik siya. Akala ko nga ay hindi na talaga siya babalik pero sa mga sumunod na araw ay dumating naman siya. Hindi tulad noon ay hindi niya rin halos ako kibuin. Pareho na kami ngayong walang kibo sa isa't isa. Naging abala si Auntie Mercy kaya sinabihan niya si Iñigo na ito muna ang sumama sa akin sa checkup. "Hindi na po, Auntie, kaya ko naman pumunta doon mag-isa." pigil ko. Nagkatinginan kami ni Iñigo. I bit on my bottom lip and looked away. Sa huli ay magkasama nga k

