"Oh my..." Tita Sylvia was happy when she finally met her grandson. Agad nilang pinagkaguluhan ni Tito Marco ang apo. Tipid lang akong napangiti habang abala pa ang mag-asawa sa anak ko. Nilingon ko si Iñigo sa aking tabi at may ngiti rin sa mga labi niya habang pinagmamasdan ang parents niya na natutuwa sa anak namin. He looked at me and I just smiled bit. Pagkatapos ay muling binalik ang tingin sa anak ko. "Hija," there was an apologetic look on Tita Sylvia's face. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction kaya tipid ko lang na nangitian ang Mommy ni Iñigo. Inaya na kami nito sa kanilang dining area kung saan ito mismo ang naghanda ng dinner. We had dinner with Iñigo's parents as planned. Maayos naman iyon at masayang kausap talaga si Tito Marco sa hapag. Sumasali din nam

