Theo's the greatest blessing God has given me. Pakiramdam ko ay unti-unting naging maayos ang mga bagay nang dumating siya sa amin. My relation with Tania and Tita Sylvia got better. My sister's very fond of my son. Palagi siyang dumadalaw sa amin. Nakabalik na kami ni Theo sa condo ko. Hindi pa muna ako nagtatrabaho dahil mas gustong mag-focus sa anak ko. May ipon din naman ako. Isa pa si Iñigo lahat ang gumagastos para kay Theo. From his diaper and milk to other things. Palagi rin siyang nakabisita sa amin. Kahit nga grocery inaako niya. Ayoko namang masanay. Lalo pa at mangingibang bansa kami ni Theo pagkatapos lang ng binyag niya. Yung ipon ko doon ko nalang igagastos sa pag-alis namin. Sa ngayon kasi ay mahirap tanggihan si Iñigo. Lalo pa at siya na mismo ang namimili madalas at din

