I waited. But it did not happen. Instead, Iñigo just went to us calmly. Hindi ko pa agad nagawa ang dapat at normal na gawin dahil sa pagkakawala sa sarili. Natigil din si Geoff sa mga sinasabi niya sa akin na hindi ko na napakinggan, nang nakitang lumapit si Iñigo. "Iñigo, uh, this is Geoffrey Rodriguez. Geoff, this is Iñigo Valderrama..." nagawa ko silang ipakilala. Iñigo nodded formally. Naglahad ng kamay sa kanya si Geoff na tinanggap naman niya. They shook hands quickly. Saglit nagpapalit ang tingin ni Geoff sa amin ni Iñigo. At nang parang may naisip siya ay ngumiti lang at agad din nagpaalam. Naiwan kami ni Iñigo at tahimik. May takot at kaba sa dibdib ko, iniisip ang tingin niya sa naabutan. "Iñigo," "Where's Theo?" Halos magkasabay pa kaming nagsalita. I promptly decided

