CHAPTER 41 Ilang minuto na parang ipinako sa kanyang kinatatayuan si Ysabella. Hindi siya makahuma sa kinaroroonan niya at nakaawang pa ang mga labi niya habang nakatitig lamang siya sa binata na kanyang kaharap. Ilang minuto pang prinoseso niya sa kanyang isipan ang lahat ng mga sinabi nito. Did she hear it right? Tama ba ang mga narinig niya? O nakaringgan niya lamang ba ang mga sinabi nitong salita? Iyon nga ba ang mga salitang binitawan ng binata kanina? "W-What... What did you say?" hindi makapaniwalang taong niya pa dito. "Let us not pretend that you did not hear everything that I said a while ago, Ysabella. Dahil alam ko na narinig mo ang lahat ng iyon. Hindi ka naman bingi," saad ng binata bago nito hinila ang isang upuan at kalmante nang naupo doon. Wari pa ay nagpantig ang k