CHAPTER 42 Matulin na lumipas ang mga araw. Katulad nga ng sinabi ni Vincent sa kanya ay nakipag-usap ito sa kanyang Uncle Menard para pormal na sabihin dito ang tungkol sa kanilang pagpapakasal. At wala siyang nagawa kung hindi ang umayon na lamang sa mga agos ng mga pangyayari. Menard talked to her about it. Hindi niya alam kung ano ang naging detalye ng pag-uusap ng dalawa ngunit nabigla ito sa mga nalaman mula kay Vincent. Nabigla man pero ni katiting ay wala siyang nakitang hindi pagsang-ayon mula dito. Mistula pa nga na masaya ito dahil sa mga nalaman. Bagay na labis na pinagtataka niya. "I do not know how it happened, Ysabella. Kung paanong magpapakasal kayong dalawa. Pero masaya ako kung si Vincent nga ang magiging asawa mo, hija," minsan pa ay banggit sa kanya ni Menard nang ma