CHAPTER 43 Bigla ang pagbitaw na ginawa ni Ysabella mula sa kamay ni Luis. Bahagya pa siyang lumayo mula sa tabi ng kanyang kababata. Nagbabadya ng galit ang mga mata ni Vincent habang nakatitig ito sa kanilang dalawa ni Luis. What is wrong with him? Paglipas ng ilang araw ay ngayon lamang ito muling nagpakita sa kanya tapos ay ganito pa ang bungad nito? Ano ba ang ikinagagalit nito? "Ano ba ang problema mo?" tanong ni Ysabella dito sa malumanay pa na tinig. Hindi siya sinagot ni Vincent. Ni hindi siya nito pinansin. Sa halip ay madilim ang mukha na hinarap nito si Luis. Matatalim na titig ang binigay nito sa binata na kanyang katabi. "May problema ba, Mr. Olvidares?" nananantiyang saad ni Luis dito. Katulad ni Vincent ay seryoso na rin ang mukha nito. But Vincent did not even bother