CHAPTER 44 Pasado alas-onse na ng gabi. Kanina pa nakatayo sa may hamba ng pinto ng guest room si Vincent. Ilang minuto na siya sa kanyang kinatatayuan at pinagmamasdan lamang ang dalaga na mahimbing nang natutulog sa may kama. Pagkatapos ng kanilang hapunan kanina ay umakyat na agad ang dalaga sa dating silid na inookupa nito sa kanilang bahay. Lahat ng damit na ginamit ni Ysabella nang mga araw na nananatili pa ito sa kanilang rancho ay naroon pa rin at maaari pa nitong gamitin. Sadyang hindi niya iyon pinatanggal sa kanilang mga kasambahay. For some reasons ay naniniwala siya na dapat lang na manatili ang mga iyon roon. At itong silid na kasalukuyang kinaroroonan ng dalaga, this is his room, actually. Ito ang kanyang silid nang binatilyo pa lang siya. Every time their family would v