CHAPTER 45 Marahan na iniikot-ikot ni Vincent ang susi ng kanyang sasakyan sa kanyang kanang kamay habang naglalakad siya papasok sa kanilang bahay. Kung hindi siya nagkakamali ay pasado alas-nueve na ng gabi. At ngayon lamang siya nakauwi mula sa pag-aasiste sa pag-aani ng mga gulay sa kanilang rancho. Sa sobrang dami ng gawain ay ginabi na siya ng uwi sa kanilang bahay. He locked the door behind him and looked around the house. Napatingala pa siya sa may ikalawang palapag ng bahay. Nababalot na ng katahimikan ang buong bahay patunay na nasa silid na ang mga katiwala nila at maging si Ysabella din. Sa kabila ng pagparamdam ng dalaga kanina na nais na nitong umuwi sa Rancho Estrella ay naroon pa rin ito at naabutan niya pa kaninang tanghali na masayang nakikipag-usap kina Nana Corazon a