CHAPTER 75 Lumipas pa ang ilang mga araw at ang cast sa may kaliwang braso ni Ysabella ay tuluyan na ngang natanggal. Ayon pa sa doktor na siyang sumuri sa kanya ay maayos na ang mga pinsala na kanyang natamo mula sa nangyari na aksidente. Though, she was still advised by the doctor to minimize her movements. Hayaan daw muna na makapagpahinga ang kanyang katawan at huwag munang biglain sa mabibigat na gawain. Lumipas din ang mga araw at hindi nagbago ang pagsasama nilang dalawa ni Vincent. Naroong inaasikaso naman siya nito--- mula sa kanyang pagkain, mga personal na pangangailangan niya at maging sa pag-aalaga sa kanya hanggang sa matanggal nga ang kanyang cast sa kaliwang braso. But that was it. Iyon lamang. Hindi pa rin nagbabalik ang dati nilang samahan katulad ng kung paano silang d