CHAPTER 74 Nang sumunod na araw ay nagpasya si Ysabella na bumaba mula sa kanilang silid. Bandang alas-diyes na ng umaga nang matagpuan niya ang kanyang sarili na bumababa ng kanilang hagdan. Kahit papaano ay tama si Vincent sa mga sinabi nito sa kanya. Hindi sa mahabang panahon dapat ay ganoon siya. Kailangan niya din na ibalik sa dati ang kaniyang buhay, ang kanyang sarili at ang mga bagay na dati nang parte ng buhay niya. She really needs to move on. Kahit magmukmok pa siya ng ilang araw o kaya linggo, o kahit abutin pa iyon ng ilang buwan at taon ay hindi na maibabalik pa ang buhay ng nawala nilang anak. Vincent was right when he told her that she needs to move on and should forget everything that has happened. Pagkarating niya sa baba ng bahay ay agad siyang nagtuloy sa may komedor