CHAPTER 73 Unti-unti ay iminulat ni Ysabella ang kanyang mga mata. Kinailangan niya pa na isanay ang kanyang mga paningin sa liwanag. Mistula pa siyang nasilaw sa nabungaran niya na ilaw na nasa kisame. Wari ba ay ilang araw na siyang nakahiga roon at nakapikit. May pakiramdam siya na matagal nang nakapikit ang kanyang mga mata dahilan para kinailangan niya itong iadjust muli sa liwanag. She tried to look around her. Nais niya sanang maghanap ng tao na maaari niyang kasama. Ngunit pilitin niya man na igalaw ang kanyang buong katawan ay hindi magawa ni Ysabella. Nakararamdam siya ng p*******t sa ilang bahagi niyon, lalong-lalo na sa parte ng kanyang kaliwang braso. It was only then that she realized that her left arm has a plaster cast. Hanggang sa unti-unti ay bumalik sa kanyang isipan