CHAPTER 67 Papasikat pa lamang ang haring araw sa may silangan nang makarating si Ysabella sa may bayan ng San Sebastian. She decided to go home first. Nais niya ng kapanatagan para sa kanyang isip at kanyang damdamin. At lagi na ay sa Rancho Estrella niya lamang iyon nakukuha. Ni hindi na niya pinagkaabalahan na magdala pa ng kanyang gamit maliban sa kanyang shoulder bag lamang. Ibinilin niya sa isang kawaksi ng mga Olvidares kung saan ang kanyang patutunguhan bago siya umalis mula sa bahay ng mga ito. Alam niya na mamaya lang ay susundan na siya ng kanyang asawa sa lugar na iyon. She does not have any plan to leave him. Not this time. Not anymore. Nais niya lamang umuwi muna sa kanilang lugar. Para bang ang sikip ng Kamaynilaan para sa kanilang tatlo nina Bianca. Sakay ng last trip pa