CHAPTER 66

2623 Words

CHAPTER 66 Kasalukuyan nang pinupunasan ni Vincent ang kanyang katawan gamit ang isang puting tuwalya nang makarinig siya ng kung anong ingay mula sa loob ng silid na okupado nila sa hotel na iyon. Agad niya nang tinapos ang kanyang ginagawa at itinapis na lamang sa ibabang parte ng kanyang katawan ang hawak niya na tuwalya. Mukhang dumating na ang kanyang asawa kaya naman ay nagmadali na siya sa paglabas mula sa banyo. Hanggang ngayon ay hindi niya maintindihan sa kanyang sarili kung bakit lagi na lang ay sabik na sabik siyang makita ang kanyang asawa. Iyon ay sa kabila ng lagi naman silang magkasama sa bahay at idagdag pa na kasal na siya rito at hindi na lamang silang magkasintahan na dalawa. Pagkalabas niya mula sa banyo ay bumungad na agad sa kanya ang isang babae na kasalukuyan na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD