CHAPTER 62 Isang paismid na ngiti ang namutawi mula sa mga labi ni Bianca dahil sa naging reaksyon niya. Sadyang tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa sa repleksyon niya sa salamin. Alam niyang nakita nito ang pagkagulat niya dahil sa narinig na mga sinabi nito kanina. "Do you know me?" mataray nitong saad sa kanya. Nanatili itong nakatitig sa may salamin. "Do I need to know you?" bwelta niya naman sa babae. Nakita niya ang agad na pagtalim ng mga mata nito dahil sa naging pabalang niyang turan. Hindi niya makuha ang punto nito kung bakit kailangan pa siya nitong kausapin tungkol sa mga bagay na iyon. Kung iniisip nito na masisindak siya dahil sa presensiya nito, well definitely ay hindi. Siya ang pinakasalan ni Vincent. Siya na ang asawa nito ngayon at panghahawakan niya ang bagay