CHAPTER 63 Dalawang linggo na ang nakalipas bago tuluyan na nailabas ang print ads and TV commercial para sa bagong cosmetic product ng Olvidares Manufacturing Corporation. It was actually a very successful project for the OMC sapagkat agad na nakilala ng madla ang bagong produkto ng mga ito. Dapat ay nakabalik na sila ng San Sebastian pagkatapos ng lahat ng iyon. But she and Vincent eventually changed their mind. It was her idea actually na manatili na lamang muna sila sa Manila, sa bahay nina Jake and Francheska. Ilang linggo na lang ay magdidiwang na ng anibersaryo ang kompanyang OMC--- ang araw kung kailan iyon unang itinatag ng mga magulang ni Don Benedict Olvidares, ang ama nina Vincent. At bilang isang anak nito ay marapat lamang na naroon si Vincent. Marapat lamang na daluhan ni