Chapter 5

2638 Words
NAGISING si Rebecca dahil sa magkasunod na katok sa pinto. Kasunod niyon ang tinig ni Symon. “Beca! Bumangon ka na! Maaga tayong pupunta ng academy!” sabi nito. “Oo na!” sagot niya. Tumigil na sa pagkatok si Symon. Bumangon siya at naligo. Mabilisan lang ang pagligo niya dahil male-late na siya sa klase. Pagdating niya sa lobby ay nadatnan niya si Symon na nakaupo sa sofa. “Ang bagal mo talagang kumilos,” naiinip sabi nito. “Puwede ka namang mauna kung nagmamadali ka,” aniya. Tumayo ang binata at lumapit sa kanya. “Babantayan kita sa classroom n’yo,” anito. “Na naman?” Bumuntong-hininga siya. “Kailangan kitang bantayan hanggang matapos ang exam ninyo.” “Hindi naman ako magbubulakbol, eh.” “Ayaw ko nang maraming reklamo. Tara na,” anito saka siya hinawakan sa kanang kamay. Wala siyang magawa nang mag-teleport ito deretso sa classroom nila. Nauna pa siya sa mga kaklase niya. “Maupo ka na. Dito lang ako sa likuran,” sabi nito. Umupo naman siya sa pinakaunang hanay ng silya. Mamaya ay dumating na ang ibang kaklase niya. Maingay na. Umupo sa katabi niyang sila si Delian. “May guwardiya ka na naman, ah,” sabi nito. “Oo, isang paranoid na guwardiya.” “E bakit si Kuya Syrel hindi na pumapasok?” pagkuwa’y tanong nito. “Iwan ko roon. Dapat nga si Syrel ang binabantayan nila.” “Genius na siguro si Kuya Syrel. Ayaw atang magtrabaho sa sangre organization.” “Iba ang gusto niya, maging s*x goddess.” Bumungisngis siya. “Talaga? Bago sa pandinig ko ‘yon, ah,” inosenteng sabi nito. Natawa siya. Biglang tumahimik nang dumating ang guro nila. Mabuti na lang katabi niya si Delian, nalilimitahan niya ang sarili na sipatin si Symon. Hindi talaga umalis ang binata hanggang matapos ang dalawang subject nila sa umaga. Sinamahan pa rin siya nito sa food center. Sina Charmaine at Zae ang nagsi-serve ng pagkain nila. Wala siyang pagkakataong makipagtsismisan sa mga ito dahil kasama niya sa lamesa si Symon at pinapa-review sa kanya ang mga aralin niya. “Kakain muna ako,” sabi niya para matigil si Symon sa pagtanong sa kanya tungkol sa mga aralin niya. “Sige. Maiwan muna kita. Babalik ako bago mag-ala-una. Huwag kang aalis dito, ah?” sabi nito saka siya iniwan. Nang makalabas na si Symon ay tumayo siya at dinala ang plato niya sa loob ng counter. Naki-share siya ng lamesa sa dalawang babae. “Oy, study hard ka ngayon, ah,” sabi ni Zae. “Siyempre, bantay-sarado siya ng ultimate crush niyang kuya,” sabad naman ni Charmaine. “Excuse me, Charmaine? Mag-ingat ka sa pananalita mo baka may ibang makarinig sa ‘yo,” aniya. “Kahit may makarinig, eh totoo naman. Mabuti nakakapag-concentrate ka sa klase habang pinapanood ka ng crush mo,” gatong ni Charmaine. Dinuro niya ito ng tinidor. “Isa pa, dudukutin ko ng tinidor ‘yang dila mo,” aniya. Tumahimik si Charmaine. Nagpatuloy siya sa pagsubo nang makita niya si Rafael at Dylan na papalapit sa counter. “Hm, nandito ang dalawang alagad ng tukso,” bulong ni Zae. Nakita lang ni Charmaine si Dylan ay para itong sinapian ng espiritu ng kalandian. Lumapit kaagad ito sa counter at nag-serve ng pagkain sa dalawang lalaki. “Tingnan mo itong malanding ito, mas obvious pa nga siya kaysa sa akin,” wika niya. “Magkaiba naman kasi kayo ng sitwasyon. At least siya, nagpapa-cute sa lalaking walang malalim na relasyon sa kanya. E ikaw?” tudyo sa kanya ni Zae. Tiningnan niya ito nang masama. “Isa ka pa. Ipalapa kaya kita sa mga bampirang uhaw sa laman?” “Huwag naman. Masyado ka namang pikon. Huwag kang mag-alala, tutulungan kita kung paano mang-akit ng lalaki.” “Tsk! Mang-akit lang? Ano’ng silbi ng malalaki kong boobs at seksing katawan?” “Ang yabang. Palibahasa pinagpala ng boobs. E bakit hindi ka nagsusuot ng damit na nakalabas ang cleavage?” “Bawal kapag nasa public.” Bumuntong-hininga siya. “At sino ang nagbabawal, aber?” “Si Symon.” Nanlaki ang mga mata ni Zae. “Aba, conservative pala ang Kuya Symon mo. O baka naman gusto niya sa kanya mo lang ipakita.” “Gaga! Bata pa lang ako nakita na niya lahat sa akin.” “Ha? As in lahat? Ilang taon ka noon?” “Twelve.” “E kaya naman pala, eh. Malamang wala ka pang buhok sa ano no’n.” “Excuse me, nagsisimula na kayang tumubo.” Tumawa si Zae. “Yaks! Nakakahiya ka!” “Ano’ng nakakahiya roon? Kapatid ang turing niya sa akin kaya walang silbi ang paghubad ko sa harap niya.” “Malay mo, ma-realize niya na hindi ka puwedeng maging kapatid lang.” “Tama na. Huwag mong palakasin ang determinasyon ko. Isinama ata ng girlfriend niya sa Amerika ang puso niya.” “Ouch!” Bigla siyang tumahimik. Nang nakita niya si Symon na papasok ng pintuan ay tumayo siya at iniwan ang natira niyang pagkain. Nagmadali siyang uminom ng tubig saka bumalik sa dining area, sa inukupa nilang lamesa kanina. “Tumalikod lang ako, kung saan-saan ka na nakarating,” sabi ni Symon nang makaupo ito sa silyang katapat niya. “Binalik ko lang ‘yong plato ko at uminon ng tubig,” palusot niya. “Kung magsisinungaling ka, huwag sa akin. Hindi ka pa natoto,” sabi nito. Maya-maya ay sumama sa table nila si Rafael at Dylan. Pinagitnaan siya ng dalawang lalaki. “Kaya pala hindi ka sumama sa clearing operation kasi nagbabantay ka ng estudiyante,” sabi ni Rafael kay Symon. “Oo, isang estudiyanteng matigas ang sintido,” turan ni Symon. “Malas, hindi nagmana sa kasipagan mo si Beca, kundi kay Syrel,” ani ni Dylan. “Isa pa ‘yon,” inis na usal ni Symon. “Be a good girl, Beca,” ani ni Rafael, saka siya inakbayan. Hindi ito kumakain. Si Dylan lang. “Mabait naman ako, ah. Kayo lang naman ang nag-iisip ng masama sa akin,” aniya. “Hm? Don’t me. I know you since we met. Bawal ma-in love kay Kuya,” pilyong wika ni Rafael. Tiningnan niya si Symon, busy na ito sa binabasang libro. Pasimpleng siniko niya sa tagiliran si Rafael. “Aw! Ang tulis ng siko mo,” angal nito. “Kalalaki mong tao, tsismoso,” bulong niya kay Rafael. “Guilty ka, meaning, tama ako.” “Shut-up ka na lang. Busy si Kuya,” aniya. Humagikgik si Rafael. “Ano ba iyang binabasa mo, Mon? Guide for brokenhearted?” pagkuwa’y tanong nito kay Symon. “Gago, hindi. Importante ito kaya basahin mo rin,” sagot ni Symon, saka ibinigay ang libro kay Rafael. “The legend of first class hybrids?” basa ni Rafael sa titulo ng libro. “I heard about that,” sabad naman ni Dylan. “Iyan ang topic ngayon ng mga leader ng organisasyon,” ani ni Symon. “My Dad mentioned the first-class hybrid during our meeting. I’m not interested but I think we should focus on the issue. May pasyente ako na nakagat ng isang lobo. Nakuha ang hindi pangkaraniwang rabbis sa dugo niya,” sabi ni Dylan. “Is it mean, lycans is real?” ani ni Rafael. “Yes, according to the book of ancient. During 1000BC, Lycans attack humans in Russia. Naalarma ang mga ancient vampire at dinipensahan ang templo ng mga imortal. Noon pa lang ay napatunayang pinakamahirap na kalaban ng mga bampira ang mga lycans. Kahinaan ng mga lahi natin ang bangis ng mga lycans. After 1000 years, unti-unting nauubos ang lahi ng lycans dahil sa mga hunter. Ang huling Lycan ay may kinagat na wolf. Until wolves are started to eat humans. They spread their infected rabbis to humans and they became lycans. Kaya nagkaroon ulit ng lycans. Noong umiinit ang klima, tumaas ang rabbis sa katawan nila. Isang wolf ang nagkalat ng virus, na na-eksperimentuhan ng mga tao. Lahat ng taong nakakagat ng infected wolf ay nagiging kauri niya. Habang lumilipas ang panahon, nag-level-up pa ang bloodline ng wolf, at nahimasukan ang mga bampira sa lumalawak na ekspiremento. May isang bampira na nakagat ng infected wolf, at naging first-class vampire. Dahil sa paglabasan ng mga hybrid vampire na katulad natin, ang first class ay nakaisip ng ideya na gawing mas mataas ang antas ng lahi nila. Ginamit niya ang mga tao para maisagawa ang plano niya. Hanggang sa nagkalat ang mga first class hybrid, o pinagsamang cells ng bampira, wolf at tao,” paliwanag ni Symon base sa nabasa nito sa libro. Hindi interesado si Rebecca sa kasaysayan ng mga bampira pero nang marinig niya ang tungkol sa mga wolf ay naingganyo siyang makialam. Naalala niya, noong pitong taong gulang siya hanggang magsampung taon ay palagi siyang nakakikita ng mga kakaibang wolf sa labas ng bahay nila. Hindi naman siya sinasaktan. Katunayan ay nahahawakan niya iyon. Naikuwento rin ng nanay niya na doon sa Bangkok ay may pamilya ng mga wolf na may lahing tao. Nagtatago raw sa lugar nila ang mga iyon para matakasan ang kalupitan ng mga bampira. Mababait ang mga iyon at gustong mamuhay na tahimik. Pero natunton din daw ng mga bampira ang pamilya at pinatay. “Naniniwala ako na may mga wolves dito,” apela niya. Tiningnan siya ng tatlong lalaki. “Alam namin pero mga asong bundok lang sila,” sabi ni Rafael. “Hindi lahat ay asong bundok. Noong fifteen years old ako, may mga lobong lumusob sa akin. Hindi sila ordinaryong lobo. May pinatay silang bampira. Meron din akong nakilalang hunter ng mga lobo pero may lahi siyang bampira,” sabi niya. “It’s a curse. Kung wala silang mahalagang pakay rito, hindi sila maninirahan dito gayung alam nila na maraming hybrid vampire rito,” ani ni Rafael. “You’re right, Raf. Ang mga wolves ay hindi nakikialam sa mga tao kung wala silang mahalagang pakay. Kung maliligaw man sila rito, pagkain ang hanap nila, o ‘di kaya’y ang klima,” sabi naman ni Dylan. Napansin ni Rebecca ang pananahimik ni Symon. Misteryoso ang paraan ng pagtitig nito sa kanya. Hindi na lamang siya nakisawsaw sa usapan ng mga ito. Pagsapit ng ala-una ng hapon ay pumasok na sa classroom si Rebecca. Binantayan pa rin siya ni Symon. Malapit na ang exam nila kaya araw-araw ang pasok. Nagpahinga muna siya sa trabaho para mag-focus sa pag-aaral. Pagkatapos ng klase ay tumambay si Rebecca sa ladies lodge. Naroon ang ibang babae na nagtatrabaho sa academy. Kasama niya sa couch sina Hannah, Rena at Katrina. Kanina pa nila pinag-uusapan ang mga lalaki sa academy. Ang mga ito ay may mga partner na, siya na lang ang wala. Bigla siyang tinabangan sa paksa nila kaya nagsolo siya sa nag-iisang sofa sa tabi ng pintuan. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang bag saka sinubukang tawagan si Jared. Ikatlong dial bago may sumagot. “Hello?” sagot ng boses lalaki. “Hi! Si Rebecca ‘to. Jared, ikaw ba ‘yan?” aniya. “Yes, ako nga. Mabuti naman natanggap mo ang pinadala kong contact number.” “Oo. Tinawagan kita kagabi pero hindi ka sumagot.” “Hindi ko hawak ang phone ko. Nandiyan ka ba sa academy?” “Oo.” Nagtataka siya bakit parang alam nito ang mundong ginagalawan niya. “Nice. Maganda siguro riyan kaya bihira ka lumalabas.” “Ha? Oo maganda pero boring. Ayaw lang akong palabasin ng papa ko.” “As in, your real father?” “No. Tatay-tatayan ko lang na kumupkop sa akin.” “So, nasaan ang tunay mong ama?” “Ahm, wala. Nabuntis lang naman si Mama ng isang bampira na hindi na bumalik pagkatapos.” “Gano’n ba? Sad. Kumusta ka na pala?” anito pagkuwan. “Okay lang. Busy ako sa pag-aaral. Malapit na kasi ang exam namin.” “Okay ‘yan. Study hard.” “Thanks.” “Tatawagan na lang kita mamaya. May gagawin pa kasi ako.” “Sige. Bye.” Naputol na ang linya. Tiningnan niya ang oras sa kanyang cellphone. Pasado alas-singko na ng hapon. Hindi pa bumabalik si Symon mula sa misyon nito. Kailangan daw sabay silang uuwi. Pagkuwan ay tumayo na siya at nagpaalam sa mga kasama. Pagdating niya sa food center ay naroon na si Symon sa harap ng counter. Nang makita siya’y dagli siya nitong nilapitan. “Saan ka galing?” tanong nito. “Tumambay lang ako sa ladies lodge. Ang tagal kong naghintay, ah,” aniya. “Okay lang. Sanay ka namang maghintay,” sabi nito. Tiningnan niya ito nang masama. “Kaya ba palagi mo na lang ako pinaghihintay at pinapaasa? Gusto mo lang bang gumanti sa taong hanggang ngayon ay pinapaasa ka’t pinaghihintay? Hindi bawal sumuko at mag-move-on,” may hugot na sabi niya. “Ano? Gutom ka na, ano?” anito saka dinutdot ang noo niya. “Oo, gutom ako sa pagmamahal at atensiyon. Kahit anong ipakain mo sa akin, wala iyong lasa dahil iisa lang ang gusto kong matikman, ang pagmamahal na buo, walang labis, walang kulang,” patuloy niya. “Tumigil ka nga.” Pinisil nito ang ilong niya. “Ang sakit kaya ng ginagawa mo. Minsan, ang hakbang ng iba na nagpapasaya sa kanila ay siya namang nakakasakit sa iba.” “Hoy, Beca! Huwag mo akong artehan ng ganyan! Kagatin ko ‘yang dila mo, eh,” napipikon nang sabi ni Symon.” “Okay lang, basta huwag mong kainin.” “f**k! You’re crazy!” asik nito. Walang anu-ano’y binuhat siya nito at bigla itong nag-teleport pauwi sa bahay nila. Nahimasmasan si Rebecca nang bigla siyang ihagis ni Symon sa swimming pool. Mabilis siyang lumangoy at umahon. Mabuti na lang hindi nito isinama sa paghagis ang bag niya. Naroon ang kanyang cellphone. Sinugod kaagad niya ito. “Salbahe ka talaga!” bulyaw niya rito. Hinampas niya ito sa dibdib. Ang tigas! Tumawa pa si Symon. “Hindi ka pala gutom, kulang ka lang sa paligo,” sabi nito. Inirapan niya ito. Kunwari ay lalagpasan niya ito pero bigla niya itong binalikan at itinulak sa tubig. “s**t! f**k you, Beca!” bulyaw nito sa kanya. Tumawa siya. “Just do it, man!” hamon niya. “What?” Mabilis itong umahon at hinabol siya. Dinampot niya ang kanyang bag saka tumakbo papasok sa kabahayan. “Humanda ka sa akin kapag naabutan kita!” satsat nito habang humahabol. Paakyat na siya sa hagdan nang bigla siyang bumalya sa matigas na katawan. Kamuntik na siyang tumalsik, mabuti may kumabig sa baywang niya. Pag-angat niya ng mukha ay nakita niya ang seryosong mukha ni Riegen. “Bakit basa ka?” tanong nito. “Ah, uhm…” hindi niya maisatinig ang sasabihin. Nilingon niya si Symon na napako ang mga paa sa sahig habang nakatingin sa kanila. Binitawan siya ni Riegen. Bumaba ito at nilapitan si Symon. “Ikaw rin, bakit basa kayo pareho?” usisa nito. “Ito kasing si Beca-” “Hindi kaya, Papa, siya ang unang naghagis sa akin sa pool,” supalpal niya kay Symon. “E ang kulit mo, eh!” sagot ni Symon. “Wala naman akong ginawa sa ‘yo, ah!” “Tama na! Hindi na kayo mga bata! Magbihis na kayo do’n at magluto ng hapunan!” saway ni Riegen. Hindi na siya kumibo. Patakbong pumanhik siya ng hagdan saka pumasok sa kanyang kuwarto. Dumeretso siya sa banyo at nagbanlaw. Hindi niya napigil ang sarili sa pagtawa habang inaalala ang nangyari sa kanila ni Symon.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD