KAGAT ni Symon ang ibabang labi niya habang nakatitig siya sa nasunog na isda. Hindi mawaglit sa isip niya ang sinabi ni Rebecca. Hirap ang sistema niya na tanggapin na ang dalaga pa ang umamin sa kanya. Natatawa siya sa kabila ng inis niya sa sarili. Binalatan na lamang niya ang isda. Tinatamad na siyang magluto ulit. Puwede pa namang kainin ang nasa loob ng isda. Hindi pa rin siya nabusog. Walang stock na prutas sa refrigerator. Nagtungo na lamang siya sa farm at namitas ng hinog na mangga at saging. Nakaupo siya sa sanga ng puno ng mangga habang kumakain. May-maya ay naramdaman niya si Mem sa likod niya. Pinapakawalan lang nito iyo roon. Marunong naman itong umuwi sa underground nitong kuwarto. Nanghuhuli ito roon ng daga o kaya’y palaka at dinadala sa mga anak nito. Namulupot ito sa